Dahil sa malaking pinsalang dinulot ng Typhoon Haiyan (Yolanda) sa Pilipinas, marami ang nagtatanong kung paano sila makakatulong.
Kung naghahanap ka ng paraan upang magbigay, hinihikayat ka ng Federal Trade Commission — ang consumer protection agency sa bansa — na mag saliksik upang makasigurado na ang iyong abuloy ay mapupunta sa isang mapagkakatiwalaang organisasyon na siyang gagamit sa pera tulad ng ipinangako nito — at ayon sa iyong kagustuhan.
Maaaring hindi mapagkakatiwalaan ang mga urgent appeal para sa tulong na iyong nakukuha ng personal, sa telepono o mail, sa e-mail, sa mga website, o sa mga social networking site. Sa kasamaang-palad, ang mga lehitimong charity ay humaharap sa kompetensya mula sa mga manloloko na nagso-solicit para sa mga bogus na charity, o hindi sila lubos na tapat tungkol sa kung paano gagamitin ng isang sinasabing charity ang iyong kontribusyon.
Kapag hiningan kang mag-abuloy upang suportahan ang mga biktima ng Typhoon Haiyan/Yolanda sa Pilipinas, pag-isipan ang mga tip na ito:
- Mag-abuloy sa mga charity na kilala at mapagkakatiwalaan mo. Humanap ng charity na may mahusay na talaan sa mga ganitong kalamidad.
- Magduda sa mga charity na ngayon pa lamang itinatag dahil sa mga kasalukuyang pangyayari. Tingnan ang Wise Giving Alliance ng Better Business Bureau (BBB), Charity Navigator, Charity Watch, o ang GuideStar para sa impormasyon tungkol sa charity na iyon.
- Tukuyin ang kalamidad. Maaaring bigyan ka ng mga charity ng opsyon na ibigay ang iyong abuloy sa isang ispesipikong kalamidad. Sa ganoong paraan, masisigurado mo na ang iyong mga pondo ay mapupunta sa disaster relief at hindi sa isang pangkalahatang pondo.
- Tanungin kung ang tumatawag ay isang binabayarang fundraiser, kung para kanino sila nagtratrabaho, at kung anong porsiyento ng iyong donation ang magpupunta sa charity at sa fundraiser. Kung hindi ka makakuha ng malinaw na sagot, o kung hindi mo gusto ang sagot na nakuha mo — maigi siguro ang mag-abuloy sa ibang organisasyon.
- Mag-ingat kung may inaalok na mga premyo. Kung ang isang organisasyon ay nangangako ng garantisadong pagpanalo sa sweepstakes, malamáng na malamáng na ito’y isang scam. Ang pag-abuloy sa isang charity ay hindi kailanman isang kondisyon upang manalo ng premyo sa sweepstakes.
- Huwag ibigay ang iyong personal o pinansiyal na impormasyon — kabilang ang iyong credit card o bank account number — maliban kung nalalaman mo na mapagkakatiwalaan mo ang charity.
- Huwag kailanman magpadala ng cash: hindi mo masisigurado na matatanggap ng organisasyon ang iyong abuloy at hindi ka makakakuha ng resibo para sa iyong tax.
- Alamin kung ang charity o fundraiser ay dapat rehistrado sa iyong estado — kontakin ang National Association of State Charity Officials.
Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga dapat tanungin, at para sa listahan ng mga grupo na makakatulong sa iyo na mag-research tungkol sa isang charity, magpunta sa Charity Scams.